Patuloy ang pag-agos ng buhay, pakiwal-kiwal sapagkat nagpipilit umiwas sa malalaking batong nakahalang sa kanyang daraanan. Kung minsan, ang matuling agos ay nahahati sa gitna lalona kung ang hadlang sa kanyang daraanan ay napakalaki at napakataas na hindi niya makayang ilagan. Subalit pagkaraan sa malaking balakid na iyon, muling magsasama ang nahahating agos upang ipagpatuloy ang kanyang paglalakbay sa landas ng buhay.
Papel sa mundo ang laging api-apihan ng mayayaman at makapangyarihan; ang painan ng lason at bitag na katahimikan ng hihirap pa sa kanila. Bakit kaya ganyan ang mga tao?
No comments:
Post a Comment